Teknikal-Bokasyonal Na Sulatin


Kaalaman: 


Ang teknikal-bokasyonal na pagsulat ay napakahalaga sa paraan ng pagsulat at komunikasyon para sa propesyunal na pagsulat tulad ng ulat panglaboratoryo, mga proyekto, mga panuto, at mga dayagram. Ang teknikal na pagsulat ay mahalagang bahagi ng industriya dahil dito ay nagbibigay ng mahalagang dokumentasyon sa gamit at aplikasyon ng mga produkto at paglilingkod sa bawat industriya. Malaki rin ang naitutulong sa paghahanda ng mga teknikal na dokumento para sa kaunlaran ng teknolohiya upang mapabatid ito nang mas mabilis, episyente, at produktibo.
Ang pokus ng teknikal-bokasyonal na pagsulat ay ang introdaksyon ng mag-aaral sa ibat’t-ibang uri ng pagsulat na kailangan sa mga gawaing may teknikal na oryentasyon. Anumang uri ng propesyonal sa gawain ang ginagawa mo, maaaring ito ay nangangailangan ng mga gawaing pagsulat at marami rito ay likas na teknikal. Habang mas marami ang alam mo ukol sa batayang kasanayan sa teknikal na pagsulat , mas mahusay na pagsulat ang magagawa mo.


Katangian ng Teknikal-Bokasyonal na Pagsulat
Mahalagang malaman nag mga katangian ng teknikal-bokasyonal na pagsulat kung ikaw ay naghahangad na maging propesyonal na manunulat.
Maraming klase ng pagsulat at bawat uri ay may layunin. Naiiba ang teknikal-bokasyonal ng pagsulat sa kadahilanang ito ay higit na naglalaman ng mga impormasyon. Ang layunin ng ganitong uri ng pagsulat ay maipaliwanag ng ibat’t-ibang paksa sa mga mambabasa.
Ang teknikal-bokasyonal na pagsulat ay naglalahad at nagpapaliwanag ng paksang-aralin sa malinaw , obhetibo, tumpak, at di-emosyonal na paraan. Ito rin ay gumagamit ng deskripsyong ng mekanismo, deskripsyon ng proseso, klaripikasyon, sanhi at bunga, paghahambing at pagkakaiba , analohiya at interpretasyon. Gumagamit din ito ng mga teknikal na bokabularyo. Maliban pa sa mga talahanayan, grap, at mga bilang upang matiyak at masuportahan ang talakay tekswal.

Batayang Simulain ng Mahusay na Sulating Teknikal-Bokasyonal
  1. Pag-unawa sa mambabasa
  2. Pag-alam sa layunin ng bawat artikulo o ulat
  3. Pag-alam sa paksang-aralin
  4. Obhetibong pagsulat
  5. Paggamit ng tamang estruktura
  6. Paggamit ng etikal na pamantayan

Kaalaman:
Ang teknikal-bokasyonal na pagsulat ay komunikasyong pasulat sa larangang may espesyalisadong bokabularyo tulad ng agham, inhenyera, teknolohiya, at agham pangkalusugan. Karamihan sa mga teknikal na pagsulat ay tiyak at tumpak lalo na sa pagbibigay ng panuto. Ito ay payak dahil ang hangarin nito ay makalikha ng teksto na mauunawaan at maisasagawa ng karaniwang tao. Mahalaga na ang bawat hakbang ay mailarawan nang malinaw, maunawaan at kumpleto ang ibinibigay na impormasyon . Dagdag pa rito, mahalaga rin ang katumpakan , pagiging walang kamaliang gramatikal, walang pagkakamali sa bantas at may angkop na pamantayang kayarian. Ang teknikal na pagsulat ay naglalayong magbahagi ng impormasyon at manghikayat sa mambabasa.

Layunin Ng Tekinakl-Bokasyonal 
  1. Upang magbigay alam. Isinusulat ito upang mapaunawa o magpagawa ng isang bagay.
  2. Upang mag-analisa ng mga pangyayari at implikasyon nito. Susubukan nitong ipaliwanag kung paanong ang sistema ay nabigo. Ang sistema ay maaaring kabilangan ng edukasyon, socio-ekonomiks, politika at ang kinakailangang pagbabago.
  3. Upang manghikayat at mang-impluwensiya ng desisyon. Susubukan nitong ipakita kung paanong ang kalakal o industriya ay nagtagumpay.
Ang teknikal na pagsulat ay may katangiang  nagpapanatili ng imparsyalidad at pagiging obhetibo. Naghahatid ito ng impormasyong tumpak at walang hangaring gumising ng emosyon.

Gamit ng Teknikal-Bokasyonal na Pagsulat
  1. Upang maging batayan sa desisyon ng namamahala
  2. Upang magbigay ng kailangang impormasyon
  3. Upang magbigay ng introduksyon
  4. Upang magpaliwanag ng teknik
  5. Upang mag-ulat ng natamo (achievement)
  6. Upang mag-analisa ng may suliraning bahagi (problem areas)
  7. Upang matiyak ang pangangailangan ng disenyo at sistema
  8. Upang maging batayan ng pampublikong ugnayan
  9. Upang mag-ulat sa mga stockholders ng kompanya
  10. Upang makabuo ng produkto
  11. Upang makapagbigay ng serbisyo
  12. Upang makalikha ng mga proposal

SIMULAIN
  • pag-unawa sa mambabasa
  • pag-alam sa layunin ng bawat ulat
  • pag-alam sa paksang-aralin
  • obhetibong pagsulat
  • paggamit ng tamang estruktura
  • paggamit ng etikang pamantayan
KATANGIAN
  • naglalahad at nagpapaliwanag ng paksang-aralin sa malinaw, obhetibo, tumpak, at di-emosyonal na paraan
KAHALAGAHAN

  • mahalagang bahagi ng industriya
  • tulong sa paghahanda ng teknikal na dokumento

Comments

Popular Posts